Eksena

Kanina-kanina lang…

Kasasakay ko lang ng jeep pa-Canlubang, mula sa tulay ng Mayapa. Papauwi na kasi ako. Pagka-upung pagka-upo ko, napansin ko na may katabi akong nursing student na babae (morena, maganda), at pilit nyang niyayapos ang boyfriend nyang mukhang nursing student din. Etong si boyfriend naman (medyo balingkinitan/payat), astang nagtatampo, yun bang, kada susuyuin ng babae, inaalis ang kamay at parang galit pa. Aba, LQ ata. Hindi ko naman buhay, so di ako naki-alam. Nang malapit na kami sa tapat ng Mary Help of Christians-Mayapa Parish, bigla na lang dinuro nung boyfriend yung lalaki sa tapat ng kinauupuan nya sabay hirit ng -

"Hoy! Kanina ka pa a! Ano gusto mo?"

Taka lahat…sabay sagot naman yung dinuro:

"Ha? Inaano kita? ANO PROBLEMA MO?"

Sumagot yung boyfriend:

"E ba’t tingin ka ng tingin sa GF ko? Kanina ka pa e!"

Sabat yung girlfriend:

" ‘bi, tama na…"

Laking gulat ko ng bigla na lang nagsalita yung dinurong lalaki ng ganito:

"E g@go ka pala, pano ko di titingin e gumagawa kayo ng eksena…@#%@mo pala e! Ano gusto mo? Panapok na lang!"

At yun na…wala sigurong 2 segundo ng sumugod na yung dinurong lalaki at bumitaw ng suntok…pero naka-ilag yung boyfriend at ang tinamaan ng kamao e yung salamin sa taas lang ng bintana ng jeep. Di pa nakuntento at sumuntok pa ulit. Tinamaan na yung boyfriend sa balikat. Gumanti na ng sapak. Tinamaan naman sa dibdib yung nasa kabila.

Mas malaking gulat ko ng marinig ko na lang sarili ko sumigaw:

"HOY, WAG KAYO DITO MAG-AWAY!!! KUNG GUSTO NYO MAGPATAYAN BUMABA KAYO!!!"


Sumang-ayon naman yung ibang mga pasahero, lalo na yung mga matatandang babae. Ang lakas ng loob ko, samantalang medyo malaki yung mamang unang nanapok. Hindi pa rin sila tumigil. Nanadyak yung boyfriend na pilit namang inaawat ng girlfriend nya. Hindi ko alam pero siguro ayoko na rin matakot yung ibang pasahero -  bigla na lang ako namagitan at pinigilan ko yung boyfriend, hawak ko sa braso. Buti na lang yung mama sa kabila inawat na rin nung mga kalalakihan malapit sa kanya. Sa puntong ito, pumreno na ang driver at nagsalita na rin:

"T@r@ntado kayong dalawa, sisirain nyo pa sasakyan ko! Mawawalan ako ng pasahero sa ginagawa nyo! Bumaba na kayo bago pa ko tumawag ng pulis."

Siguro natauhan na yung boyfriend at hinila na yung girlfriend nya palabas ng jeep. Tumawid sila ng kalsada. Siguro di pa sila nakakalayo nang napansin nung isang pasahero na may naiwan sila. Sinigawan nya yung mag-syota:

"Hoy, celfone nyo, naiwan nyo!"

Binalikan nung babae yung phone at nagpasalamat dun sa nag-abot. Umandar na ulit ang jeep. Maya-maya napansin ko na hinihimas nung mamang sumuntok kanina ang kanang kamao nya.

"Brod, masakit ba? Nasugat ka ba o ano?" Tanong ko.

"De, ayos lang to. T@$#@#!$ talaga yung p$@#$ ‘yon pinagbibintangan pa ko. Mapapatay ko yun. Makita ko lang ulit yun…"

Yung lalaking katabi nya, nagbiro na lang:

"Sayang yung celfone, dapat di ko na sila tinawag. Ang dali lang ‘nun o, isang bentahan lang, 3,000 na  yun! HEheheHEhe!" Sabay tawanan yung mga nasa jeep.

"May topak din kasi yung magkasintahan na yun e. Nag-iinarte pa, alam naman na maraming tao. Buti na lang pinigilan nyo, kundi, basag mukha nun," hirit pa ng isa.

Pagdating sa kanto ng village namin, pumara na ako at bumaba. Habang naglalakad pauwi ng bahay, di ko mapigilan ngumiti. Bakit? Hindi dahil natuwa ako sa nangyari. Hindi dahil masaya ako at may nasaktan.

Naisip ko lang…

Ang tunay na buhay pala, minsan, parang pelikula din. :P
Aksyon na aksyon! Hahaha!

Ang tao talaga. Mahirap pintahan.

Kaya siguro minsan, okay na rin pag di ako nagdadala ng sasakyan. Iba talaga pag-namamasahe. Marami akong natututunan.

7 Responses to “Eksena”

  1. Mae Says:

    E yung napansin kong pigil ang hininga ko habang binabasa ko ang kuwento mo? Hahaha! ayos! Umaatikabong aksyon! Why not? haha!

    ~Mae

  2. Marjorie Says:

    ang galing mong magkuwento, parang komiks. nakakatawa. ang galing. salamat. tama, dapat magcommute ka palagi, para marami kang kuwento.GB!

  3. Deds Says:

    marami at sari-sari talagang nangyayari sa jeep. many more jeepney joyrides to come. haha! ;p

  4. gRaciE Says:

    hahaha…finally nabasa ko na din!;p

    oo nga couz, eksena nga ito!hehe!natawa na lang ako, ang liit ng pinagsimulan, napunta sa away…at magpapatayan pa sa loob ng jeep. hehe! buti di ka tinamaan.;p

  5. ♥VanilLa♥ Says:

    haii kuya tapang mu! xD kung aku un, baka umiyak aku xD hehehe, buti kuya d ka po napahamak, good luck! ingat ka po sa susunod, baka ikaw na next na machmabahan ng away xD

  6. Dtqqrjqh Says:

    Hey, i save funny photos
    here

  7. Embawayteaw Says:

    Bite my shiny metal ass, assholes, you were joked!

Leave a Reply